Mga babaeng umano’y biktima ng sexual abuse ng police frontliners, hinikayat ng PNP na magsampa ng kaso

Nanawagan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga babae na umano’y naging biktima ng sexual abuse ng mga police frontliner na magsampa ng kaso.

Ito ay matapos na lumabas ang mga ulat ng ilang pulis sa Quezon City ang umano’y sangkot sa sex for pass o ang pagbibigay ng serbisyong sekswal para makadaan sa mga Quarantine Control Points (QCP).

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, siniseryoso ng pamunuan ng PNP ang isyu ng umano’y pang-aabuso sa mga kabataan.


Giit ni Gamboa. iginagalang nila ang role ng mga kababaihan sa mga sa komunidad kaya naman hinihikayat nila ang mga biktima na agad na mag-report sa PNP para masampahan ng kaso ang mga pulis na may gawa nito kung mapapatunayang totoo.

Maikokonsidera aniyang kriminal at sexual predator ang mga pulis na gumagawa nito.

Samantala, sinabi naman ni PNP Chief na hindi patas para sa lahat ng police frontliners na nahuhusgahan ang buong organisasyon dahil sa pagkakamali ng iilan lang lalo’t patuloy ang kanilang pagbuwis ng buhay para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments