MGA BABY PAWIKAN, PINAKAWALAN SA BAYBAYIN NG BAUANG LA UNION

Matagumpay na pinakawalan ang 65 na baby pawikan sa baybayin ng Sitio Solomon, Barangay Pugo, Bauang, La Union.

Pinangunahan ito ng LGU Bauang katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Coastal Underwater Resource Management Actions (CURMA) upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pinakawalang baby pawikan.

Ayon sa MENRO, natagpuan ang mga itlog ng pawikan sa parehong lugar at ito ay ipinasa sa CURMA upang maghintay ng pagkapisa ng mga itlog.

Pinangunahan ng mga eksperto ang pagpapakawala ng mga napisang itlog sa tamang lugar upang matulungan ang mga pawikan na makapagsimula ng ligtas na buhay sa dagat.

Nagbigay naman ng mga gabay ang MENRO at CURMA sa mga residente ng lugar ukol sa tamang proseso ng pagpapakawala ng pawikan at ang kahalagahan ng pagtutok sa pagprotekta sa mga ito. Kasama sa mga hakbang ang pag-patrolya sa mga baybayin at pagsubaybay sa mga susunod na mapipisang itlog ng pawikan.

Layunin ng pagpapakawala ng mga pawikan bilang isang mahalagang hakbang sa pangangalaga ng mga endangered species at paalala na rin sa pagkakaroon ng malasakit sa kalikasan para sa mga susunod na henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments