Timbog ang isang lalaki na may kasong rape sa bisa ng arrest warrant na inihain sa tahanan nito sa Brgy. Magsaysay, Bayambang, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na isang 41 anyos na lalaki tinukoy bilang 8Th Most Wanted sa Pangasinan.
Nahaharap sa kasong qualified rape na walang kaukulang pyansa at three counts ng paglabag sa Acts of Lasciviousness na may kaukulang piyansa na P80, 000.
Nasa kustodiya na ng Bayambang Police Station ang suspek para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments