Mga backyard pig, bibilhin ng QC-LGU sa harap ng banta ng ASF

Bibilhin ng Quezon City government ang mga alagaing baboy ng mga residente sa lungsod bilang pag-iingat sa banta ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, magpapasa ng local ordinance ang lokal na pamahalaan para mapondohan ang pamimili ng baboy.

Ang mabibiling baboy ay ibebenta naman ng LGU sa Department of Agriculture (DA).


Bagama’t mayroon nang umiiral na batas na Zero Agri farm sa Quezon City o pagbabawal sa pag-aalaga sa mga livestock products tulad ng manok at baboy, may ilan pa rin ang natutuklasang mayroon pa ring nag-aalaga ng baboy sa kanilang mga bakuran.

AnIya ang pag-aalaga ng baboy ay hindi pinahihintulutan sa isang highly urbanized city tulad ng Quezon City.

May apat na animal checkpoint ang QC sa tulong ng Bureau of Animal Industry (BAI) upang mapigilang makapasok ang ASF infected na mga baboy.

Kabilang dito sa Commonwealth, Kapri, Balintawak at Tandang Sora.

Sa naturang mga checkpoints, mayroon nang 188 baboy ang napigil na may ASF at 153 ay isinailalim sa pagsusuri ng BAI para matiyak kung walang sakit.

Facebook Comments