Mga Badjao, mahusay na maging “Bantay Dagat” ayon sa BBM-Sara UniTeam

Naniniwala ang BBM-Sara UniTeam na ang mga Badjao ay magiging mahusay na “Bantay Dagat” dahil na rin sa kanilang galing sa paglangoy at sapat na kaalaman sa mga karagatan.

Ayon kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, tiyak na magiging epektibo sila na maging “Bantay Dagat” para mapoprotektahan ang mga likas na yamang dagat at mapipigilan ang illegal fishing.

Bukod sa pagiging “Bantay Dagat”, dapat din aniyang mabigyan ng kabuhayan at oportunidad sa edukasyon ang mga Badjao.


Ang “Bantay Dagat” program ay pinapangasiwaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA).

Ang indigenous Badjao o Sama-Bajau tribe ay naninirahan sa mga coastal area ng Tawi-Tawi, Sulu, Basilan at ilang baybayin lugar sa Zamboanga City.

Pero napilitang magtungo sa mga urban area dahil sa patuloy na bakbakan sa Mindanao at pagha-harass ng ilang armadong grupo.

Umapela ang BBM-Sara UniTeam sa mga Local Government Unit (LGU) na bigyang respeto at pigilan ang malupit na pagtrato na dinaranas ng marami sa kanila kapag nakikita silang namamalimos sa mga kalsada.

Facebook Comments