Hinimok ni dating Integrated Bar of the Philippines Commissioner at 1-ANG EDUKASYON Partylist Rep. Bong Belaro ang mga bagong pasang abogado na magpakabihasa din sa international law.
Paliwanag ng mambabatas, ang sinusunod na mga batas sa bansa ay may impluwensya din ng jurisprudence at legal research sa ibang mga bansa tulad sa Europa at Asya.
Sinabi pa nito na maski sila sa Kamara ay tumitingin din sa international, global benchmarks at best practices upang matiyak na nakakasunod ang ating mga batas kapag nagrerepaso at bumabalangkas ng mga bagong batas.
Hinikayat din ni Belaro ang mga bagong abogado na tulungan ang mga OFWs na nangangailangan ng legal services.
Ayon kay Belaro, sa panahon ngayon ay hindi na limitado ang propesyon dahil maging sa business process outsourcing industry ay in demand na rin ang legal services.