Manila, Philippines – Natanggap na nang Philippine Marines ang mga bagong counter-terrorism weapons mula sa Estados Unidos.
Kabilang dito ang tatlong daang (300) M4 carbines, dalawang daang (200) glock 21 pistol, apat na M1-34d gatling-style machine guns, isandaang (100) M-203 grenade launchers at combat rubber raiding craft na may outboard motors.
Ang nasabing donasyon – ay bahagi ng counter-terrorism train and equipment program ng Amerika at ang ating bansa.
Ayon kay Marines Chief Major Gen. Emmanuel Salamat – agad itong papadala sa Marawi City para makatulong sa pagbulbos sa natitirang grupo ng Maute.
Bukod dito, mayroon din itong mga bagong relo na magagamit ng ating mga sundalo sa field at mga water proof communications equipment.
Sinabi naman ni Joint United States Military Assistant Group (JUSMAG) Chief Col. Ernest lee – patulay lamang ito ng mas matibay at solidong relasyon ng Armed Forces of the Philippines at Amerika.
Kasabay nito – tiniyak din ng US forces na handa silang tumulong sa AFP sakaling kailanganin sa panahon ng trahedya at terorismo.
Ang programang ito ng Estados Unidos ay nagsimula nuong taong 2007 kung saan nagbigay ang jusmag ng halagang P7.3 billion military equipment sa Marines at sa ibang sangay ng Armed Forces.
DZXL558