Pagkakakilanlan ng bangkay ng lalaki na natagpuang sa Osmeña Highway, natukoy na

164

Manila, Philippines – Natukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng bangkay ng lalaki na natagpuang sa Osmeña Highway sa Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si Mark Laciste Verano na residente ng ilang-ilang Pandacan.


Inakala ng mga nakakita na mga motorista at mga residente sa lugar na aksidente lamang sa kalsada ang nangyari.

Pero nang silipin nila ay nakita nilang duguan ang biktima at nakapulupot sa ulo ang kanyang kulay itim na t-shirt kung saan mayroong itong tama ng bala.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung sa naturang lugar binaril ang biktima o inihulog lamang ito ng mga pumatay sa kaniya.

DZXL558




Facebook Comments