Mga bagong batas tungkol sa pagtatakda ng sakop na teritoryo, patuloy na ipabatid sa international community ayon sa isang mambabatas

Hiniling ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa Department of Foreign (DFA) na patuloy na ipabatid sa international community ang ginagawang pagsisikap ng bansa para patuloy na mailaban ang karapatan sa West Philippine Sea (WPS).

This slideshow requires JavaScript.

Ang reaksyon ng mambabatas ay kaugnay sa pagpasok sa territorial waters ng Russian attack submarine noong nakaraang linggo.


Partikular na dapat ipaalam sa international community ang dalawang landmark laws, Archipelagic Sea Lanes Act (RA 12065), at Philippine Maritime Zones Act (RA 12064).

Pinuri naman ni Tolentino ang agarang aksyon ng Philippine Navy matapos agad na i-dispatch ang aircraft at warship nila para rumesponde sa sa namataang Russian attack submarine.

Facebook Comments