Manila, Philippines – Kinilala ang mga binansagang bagong bayani sa paggunita ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power revolution kahapon, Pebrero 25.
Kabilang sa mga kinilala ng EDSA People Power commission ang hukbong Sandatahan para sa kanilang pakikidigma kontra sa mga teroristang sumakop sa Marawi City.
Pinarangalan din si PO3 Christopher Lalan, isa sa mga nakaligtas sa operasyon ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, maguindanao noong 2015 kung saan nasawi ang 44 niyang mga kasamahan.
Tinanggap naman ng mga kaanak ng nasawing guwardiya ng NCCC Mall sa Davao City na si Melvin Gaa ang Spirit of EDSA Foundation and Good Citizenship Award matapos niyang magligtas ng mga tao.
Iginawad naman ang people’s power heroes award kay dating Pangulong Ferdinand V. Ramos para sa kaniyang papel sa rebolusyon noong 1986 na tumapos sa 14 na taong diktadura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kasabay ng seremonya, nag-turn over na rin ng pangangalaga ng people power monument sa National Historical Commission of the Philippines mula sa Spirit of EDSA Foundation.