Mga bagong biling barko at mga C130 planes ng AFP idedeploy para ilikas ang mga Filipino sa Iran at Iraq

Handa na ang Armed Forces of the Philippines na ideploy ang kanilang mga bagong biling barko at C130 planes sa Iran at Iraq.

Ito ay matapos ang utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na kinakailangang ilikas ang mga Filipino sa dalawang bansa dahil na rin sa umiinit na gulo sa pagitan ng Estados Unidos at Iran dahil sa pagkakapatay ng Top Iranian General Qassem Soleimani.

Ayon kay bagong AFP chief of staff lt gen Felimon Santos Jr naghihintay lamang sila ng go signal sa Malacanang at Department of Foreign Affairs (DFA) para i-deploy na ang kanilang mga Assests.


Magiging prayoridad aniya nila ay ang paglikas sa mga Filipino.

Sa ngayon pinagaaralan nila ang mga strategies na gagawin kung paano ligtas na maililikas ang mga filipino sa middle east partikular sa Iran At Iraq.

Una nang kinumpirma ni US Pres Donald Trumph na inutos nya ang operasyon para mapatay si General Qassem Soleimani.

Facebook Comments