Tatay, 9-anyos anak, patay matapos mabaril nang mapagkamalang usa

WALTERBORO, South Carolina – Nasawi ang isang 30-anyos na lalaki gayundin ang kanyang 9-anyos na anak na babae matapos mapagkamalang usa habang nangangaso noong Enero 1, Miyerkules.

Ayon kay Benny Drawdy, kapatid ng biktima na si Kim Drawdy, nangangaso raw noon ang dalawa malapit sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente.

Nalaman na lamang daw niya ang nangyari nang mayroong magpadala ng mensahe  tungkol sa nangyari sa kanyang kapatid at pamangkin.


Aniya, “My heart stopped when they told me it was my brother and his daughter.”

Sa pahayag ng South Carolina Department of Natural Resources (SCDNR), napagkamalang usa ang dalawa kaya sila aksidenteng nabaril.

Ito ay matapos umanong may mga dumating na apat na kalalakihan na noo’y nangangaso rin sa nasabing lugar ngunit hindi na sila naglabas ng detalye kung paano nabaril ang mga biktima.

Agad namang rumisponde ang emergency crews at nakita ang bangkay ng dalawa sa pinangyarihan ng insidente ayon kay Colleton County Fire Chief Barry McRoy.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyari at inaalam pa ang tunay na dahilan ng pagkasawi ng dalawa.

Facebook Comments