Mga bagong biling medical supplies ng DOH at PS-DBM, hinahanap ng isang senador

Inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na tatanungin niya ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management’s Procurement Service (PS-DBM) kung nasaan na ang mga kabibili lamang na mga medical supplies.

Ayon kay Drilon, hindi pa napag-uusapan kung saan dinala ang mga bagong biling face shields, face masks, at test kits pero tiyak bubuksan niya ang usaping ito sa susunod na pagdinig.

Dahil dito, nagpaalala ang senador sa PS-DBM at DOH na kailangang maipapakita at maipapaliwanag nila ng maayos kung nasaan ang nasa 115 milyong face mask.


Samantala, dagdag pa ni Drilon, aabot sa P284 milyon sana ang natipid ng pamahalaan sa pagbili ng Personal Protective Equipment (PPEs) at iba pang COVID-19 supplies noong 2020 kung hindi ito dumaan sa middle man.

Aniya, dapat government-to-government transaction para magamit pa ang ibang pondo sa iba pang pangangailangan ng bansa ngayong pandemya.

Facebook Comments