Mga bagong contact tracer, ide-deploy na sa linggong ito ng DILG

Ipapakalat na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong linggo sa iba’t ibang lokal na pamahalaan ang mga bagong nakuhang karagdagang contact tracers sa buong bansa.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, nakapagtapos na ng training ang may 10,136 ng contact tracers na nakuha ng DILG.

Aniya, tuloy pa rin ang kanilang pagtanggap ng contact tracers applicants hanggang mabuo ang kinakailangang 50,000.


Ikakalat sila sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang karagdagang workforce laban sa COVID-19 at hanapin ang close contacts ng mga taong nagpositibo sa COVID-19.

Ang hiring ng karagdagang contact tracers ay ginawa matapos maisabatas ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Hanggang kahapon, October 5, pumalo na sa 324,762 ang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa buong bansa, 273,123 naman ang naka rekober na at 5,840 ang mga namatay na.

Facebook Comments