Mga bagong development sa COVID-19 vaccines ng Johnson & Johnson at Gamaleya, welcome sa DOH

Ikinalugod ng Department of Health (DOH) ang mga malalaking developments sa COVID-19 vaccines na gawa ng pharmaceutical giants Johnson & Johnson (J&J) at Gamaleya Research Institute.

Matatandaang inanunsyo ng J&J na ang unang shot ng COVID-19 vaccine ay 85% na epektibo laban sa sakit.

Ayon kay Health Secretary Maria Rosario Vergeire, magandang balita ito dahil patunay na mabisa ang bakuna kahit sa isang dose lamang.


Dagdag pa ni Vergeire, wala na ring hihintayin na time interval kung kailan ituturok ang pangalawang dose.

“Unang-una, operationally, napaka simple na ng gagawin, wala na tayong hahantayin na period of time para makapagpabakuna for the second dose. At dito sinasabi din, isang turok lang sayo, makukuha mo na yung efficacy na kinakailangan ng isang katawan para ikaw ay maproteksyunan,” dagdag ni Vergeire.

Patuloy ang negosasyon ng pamahalaan sa J&J para maselyuhan ang doses ng kanilang bakuna.

Bukod dito, pinuri ng DOH ang anunsyo ng Gamaleya na ang efficacy ng Sputnik V vaccine ay 91.6%.

“Itong 91% na efficacy…ito po ay magandang balita at sana tayo ay magkaroon ng ganitong bakuna din kasama nung ibang mga bakuna to provide additional protection for our population,” ani Vergeire.

Gayumpaman, ang lahat ng bakunang papasok sa Pilipinas ay kailangang mabusisi ng health regulators.

Facebook Comments