Manila, Philippines – Iprinisinta ni dating Congressman Jacinto Paras ang mga bagong ebidensyang nakalap na susuporta sa mga akusasyon laban kay Comelec Chairman Andres Bautista.
Ang mga dokumento ay ang mga ebidensyang ilalatag sa Senate Impeachmnt Court para sumuporta sa reklamong culpable violation of the constitution, betrayal of public trust at graft and corruption laban sa Chairman.
Kabilang sa mga bagong nalaman na katiwalian ni Bautista sa PCGG ang 2.5 million unliquidated cash advance na noon pa nasita ng Commission on Audit at ang pagkakaroon ng mga ghost employees noong ito ay PCGG Chairman.
Pinabili din ni Bautista ng 10.530 million na halaga ng SODEXO gift checks at 9 million na halaga ng SM gift checks ang ilang mga sequestered companies tulad ng BASECO at Independent Realty Corporation.
Sa halaga ng GCs na ito, 2 milyon ang napunta kay Bautista.
Sa Divina Law Office din ipinapakuha ng serbisyo ni Bautista ang mga sequestered companies kaya noon pa man ay nakakakuha na ito ng referral fee.
Pinagbayad din ni Bautista ang mga sequestered companies ng sariling membership sa mga private organisasyon kahit pa nasa COMELEC na ito.
Apat na sasakyan din ng PCGG ang ginagamit noon ni Bautista at ng kanyang pamilya.
Tatlong PCGG Commissioners naman ang handang tumestigo sa impeachment trial o kahit pa tumayo bilang private prosecutor laban kay bautista para patunayan ang mga katiwalian nito sa ahensya.