Tiwala si Senator Win Gatchalian na makakatulong sa muling pagbangon ng turismo at ekonomiya ang paglikha ng mga Heritage Zone sa lungsod ng Carcar sa Cebu at sa bayan ng San Vincente, Ilocos Sur.
Idineklarang heritage zone ng Republic Act No. 11644 ang lungsod ng Carcar habang sa ilalim naman ng Republic Act No. 11645, itatalagang bahagi ng heritage zone ang piling mga lugar sa loob ng bayan ng San Vicente.
Ayon kay Gatchalian, malaking tulong ang nabanggit na mga heritage zones sa ating mga kababayan lalo’t patuloy tayong bumabangon mula sa hagupit ng pandemya.
Paliwanag ni Gatchalian, ang paglikha ng mga Heritage Zone sa Carcar at San Vicente ay hindi lamang pagkilala sa kanilang mahabang kasaysayan at mayamang kultura.
Diin ni Gatchalian, sinisigurado rin nito na suportado ng pamahalaan ang pagpapanatili sa mga cultural treasures at ang pagsulong ng turismo sa nabanggit na mga lugar.