Mga bagong kagamitan ng AFP, itatampok sa Independence Day parade

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 taong Independence Day.

Itatampok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang mga modernong kagamitan sa isasagawang Independence Day parade.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto, 34 na motorized/mechanized assets at 26 aircraft ang lalahok sa selebrasyon.


Kabilang sa Civic-military parade ang apat na bagong ground-based air defense system surface-to-air missiles, at dalawang Autonomous Truck-Mounted Howitzer System 155mm self-propelled artillery.

Habang magsasagawa naman ng fly-by ang dalawang A-29B Super Tucano, isang AH-1S Cobra attack helicopter, dalawang Blackhawks, at dalawang AW-109 naval helicopters.

Layon nitong ipakita ang pinalakas na kapabilidad ng militar sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa.

Facebook Comments