Mga bagong opisyal ng IBP, nanumpa kay Chief Justice Bersamin

Nanumpa na sa pwesto ang mga bagong opisyal ng Integrated Bar of the Philippines.

 

Kabilang dito ang 24th IBP Board of Governors gayundin si bagong IBP National President at Chairman of the Board Domingo Egon Cayosa.

 

Si  Cayosa ay nahaharap sa disbarment case sa Supreme Court at kasama rin siya sa mga inireklamo ng inciting to sedition sa DOJ dahil sa Bikoy presscon at Ang Totoo Narcolist videos.


 

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang IBP officials na maging tapat sa lawyer’s oath at sa rule of law sa  pagtupad ng kanilang tungkulin.

 

Tiniyak din ni Bersamin na igagalang ng Korte Suprema ang otonomiya ng IBP.

 

Nilinaw din ni Bersamin na kung didisiplinahin man ng SC ang IBP ay  ito ay batay sa merito.

Facebook Comments