Mga bagong panuntunan hinggil sa pagbabawal na pagbebenta ng salmon at pampano sa mga palengke, posibleng ilabas ng DA sa unang bahagi ng 2023

Target ng Department of Agriculture (DA) na ilabas sa susunod na taon ang mga bagong panuntunan sa Fisheries Administrative Order (FAO9) No. 195 na nagbabawal sa salmon at pampano sa mga palengke.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez na posibleng sa unang kwarter ng 2023 nila ilabas ang revised na FAO9 No. 195.

Tiniyak ni Estoperez na patuloy nilang pag-aaralan ang nasabing administrative order katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).


Layon aniya na matulungan ang sektor ng mga mangingisda at agrikultura sa bansa.

Matatandaang, ipinagpaliban muna ng BFAR ang pagkumpiska at pagbabawal sa pagtitinda ng mga imported na salmon at pampano sa mga palengke dahil rerepasuhin muna ang FAO9 No. 195 na nabalangkas pa noong 1999.

Facebook Comments