DOJ, naniniwalang buhay at nagtatago lamang ang isa sa mga suspek sa Percy Lapid case na si Zulueta

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad si Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Security Officer Ricardo Zulueta, isa sa mga key suspek sa Percy Lapid murder case.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano, naniniwala silang buhay at nagtatago lamang si Zulueta.

Kaya naman hindi aniya sila titigil na mahanap ito upang makompleto ang chain of communication ng kaso.


Si Zulueta ang isa sa itinuturong sangkot sa pagpatay kay Lapid kasama si suspended BuCor Chief Gerald Bantag.

Matatandaang halos isang buwan na ang nakakalipas nang sampahan ng kasong murder ang dalawang nabanggit na opisyal ng ahensya kasama ang iba pang personalidad na pawang mga gang leader sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Facebook Comments