Mga bagong pasilidad ng Philippine Navy sa Casiguran, Aurora, magpapalakas sa pagbabantay sa ating teritoryo

Tiwala si Senador Francis Tolentino na lalo pang lalakas ang kasalukuyang kakayahan at kapasidad ng Hukbong Dagat na bantayan ang teritoryo ng ating bansa.

Mensahe ito ni Tolentino sa kanyang pangunguna sa pagpapasinaya sa mga bagong pasilidad ng Philippine Navy sa Casiguran, Aurora na layong patatagin ang presensya ng bansa sa ibabaw ng 13-milyong ektaryang Philippine Rise.

Magsisilbi ang mga bagong tayong istraktura bilang naval support facility at naval air detachment sa Casiguran, Aurora na ilang milya lamang ang layo mula sa talampas.


Diin ni Tolentino, sa pagtayo ng nabanggit na bagong base militar sa Hilagang Luzon ay hindi lang sovereignty and national security ang pangangalagaan kundi ang ating mga likas na yamang-dagat.

Naisakatuparan ito matapos lumagda ang pamunuan ng Navy at ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport (APECO) sa isang kasunduan.

Facebook Comments