Mga bagong perang papel, madadagdagan ng security features

Simula sa susunod na taon, mas maraming security features na ang nasa New Generation Currency (NGC) banknotes o mga bagong perang papel.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno – dalawa o higit pang security features ang idadagdag sa currency.

Aniya, pagdating ng first quarter ng 2020, inaasahan ang mga sumusunod na security arrangements: upgrade window security thread na may unique color at design kada denomination at anti-copy at anti-scanning features.


Ang mga banknotes ay may tactile marks para sa mga matatanda at may diperensya sa paningin.

Maliban dito ang latest NGC banknotes ay mayroong sumusunod na features:

  • Embossed prints kaya magaspang kapag hinawakan, mararamdaman din ang pirma ng pangulo at BSP governor
  • Asymmetric serial number
  • Embedded red at blue security fibers
  • Watermark ng portrait na may corresponding value ng denomination
  • Isang see-through mark ng salitang “Pilipino” na nasakulat sa baybayin
  • Nakatagong denomination value na makikita lamang kapag itinikwas
  • Embedded thread na makikita sa likod ng ilaw
Facebook Comments