Mga bagong talagang public attorney’s ng PAO, binalaan

Manila, Philippines – Pina-alalahanan ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta ang 397 na bagong talagang public attorneys na bawal tumanggap ng salapi o ano mang uri ng bayad mula sa mga kliyente.

Ayon kay Acosta, mga Ebidensya lamang ang maaaring tanggapin ng mga abogado ng PAO at kapag may kulang na public document ang mga kliyente ay obligado ang public attorneys na tutulungan sila.

Bawal din aniyang sumimangot sa kliyente at Bawal ang tamad na PAO lawyer.


Sinabi pa ni Acosta na mahalagarin na maging maagap ang public attorney para hindi maagawan ng ebidensya at testigo lalo na sa mga kaso ng mga kabataan na nangangailangan ng katarungan.

Sa ngayon aniya , sampung PAO lawyers na ang natanggal sa serbisyo dahil sa pagpapasaway.

Facebook Comments