Mga bagong tayong gusali, pinagtatayo ng pasilidad na pag-i-ipunan ng tubig-ulan

Manila, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala na oobliga sa mga bagong institutional, commercial, at residential development projects sa Metro Manila na magkaroon ng pasilidad na mapag-iipunan ng tubig-ulan.

Layon ng House Bill No. 4340 o panukalang “Rainwater Harvesting Facility Act,” na isulong ang pagtitipid ng tubig.

Tinitiyak rin dito ang pagkakaroon ng sapat na supply ng malinis na tubig para magamit sa domestic at sanitation purposes.


Sakop ng panukala ang mga bagong subdivisions, condominiums, malls, government institutions at iba pang establisyimento.

Ang sinumang lalabag dito ay magmumulta ng mula kalahating milyon hanggang dalawang milyong piso para sa bawat taon nang hindi pagtatayo ng water harvesting facilities.

Facebook Comments