Meralco Bolts, inilampaso ng Team Pilipinas sa kanilang tune up game para sa FIBA qualifiers

Manila, Philippines – Dinispatsa ng Team Pilipinas ang Meralco Bolts, 100-82, sa kanilang kaisa-isang tune-up game kanina sa Meralco Gym, Pasig City.

Kaugnay pa rin ito ng paghahanda ng national team para sa ikaanim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Bumandera sa Panalo ng Team Pilipinas si Roger Pogoy na umiskor ng 21 points.


Dinagdagan pa ito ng 14 points ni Marcio Lassiter at 13 points mula kay June Mar Fajardo.

Nasayang naman ang team-high 14 points ni Baser Amer para sa Meralco maging ang 13 points ni Reynel Hugnatan.

Facebook Comments