Naglagay ng barikada ang mga residente ng Sitio Gitna Barangay 166 Caloocan City.
Ito ay dahil sa inaasahang demolition ngayong araw.
Makikita ang mga harang sa nga eskenita na sakop ng paggiba sa mga bahay.
Ayon kay Ginang Amelita Valdin, ang pangulo ng residente sa Sitio Gitna, patuloy silang umaasa na dapat pakinggan muna ang pag dinig sa korte bago mag karoon ng demolition.
Nabatid na ang Sitio Gitna Barangay 166 Caloocan City ay tatamaan ng ginagawang kalsada na Mindanao Ave extension project.
Kahapon, may mga dumating na aniya na pulis at sinabihan na sila na ngayong araw mangyayari ang sinasabing demolition.
Aabot sa 200 pamilya ang naninirahan sa nabanggit na lugar.
Ito ay pagmamay-ari ng National Housing Authority (NHA).
Ayon sa mga residente, payag naman silang umalis pero dapat bigyan sila ng maayos na lilipatan.
Ang problema kasi may inalok ng relokasyon sa mga residente at ito ay sa Camarin, Caloocan pero ito ay luma na ang gusali.
Malayo din anila sa paaralan ng mga bata at sa kanilang hanap buhay kaya hindi nila ito matanggap.