CSC, umapela sa government workers na suportahan ang “Chikiting Bakunahan Days” ngayong buwan

44

Ipinapaalala ng Civil Service Commission (CSC) sa mga government workers na maaari silang mag-avail ng “Special Leave Privileges” para masamahan ang kanilang mga anak para mabakunahan laban sa COVID-19.

Sa huling Huwebes at Biyernes ngayong buwan ng Hunyo isasagawa ang “Chikiting Bakunahan Days” o “National Vaccination Days” ng gobyerno.

Hiniling ng CSC sa government employees na suportahan ang programa.


Ang special leave privileges ay ipinagkaka-loob sa ilalim ng Section 21, Rule 26 ng Omnibus Rules on Leave.

Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng bakuna upang maiwasan ang pagkalat ng mga vaccine preventable disease.

Facebook Comments