Mga bakanteng lote sa San Juan City, pinapa-convert na sa parking facilities

Nanawagan ngayon si San Juan City Mayor Francis Zamora sa kanyang mga constituent na may mga bakanteng lote na pumayag na gawin itong parking facilities.

Ito ay matapos na ipagbawal na sa buong lungsod ng San Juan ang pagpa-park ng sasakyan sa mga kalsada matapos na iutos ng pangulo na tanggalin ang lahat ng mga nakaharang sa kalsada nationwide na nagdudulot ng traffic.

Ayon kay Mayor Zamora, kung papayag ang may-ari ng mga bakanteng lote na gawing parking area ang kanilang property ay exempted na sila sa pagbabayad ng tax nang hanggang limang taon.


Sinabi ng Alkalde, win-win situation ito dahil magkakaroon ng mas maraming parking space ang mga taga San Juan at magkakaroon din ng income ang mga may-ari ng mga bakanteng lote.

Una nang sinabi ni Mayor Zamora na 2.5 million pesos ang nabawas sa income ng San Juan City government nang isuspendi ang pay parking sa buong lungsod.

Sa ngayon, tanging 300 sasakyan lang ang kinakayang i-accomodate ng greenhills habang ang walong parking facilities malapit sa shopping center ay kaya lamang i- accomodate ng 4000 mga sasakyan.

Facebook Comments