Mga bakanteng posisyon na teaching at non-teaching sa bansa, pinapupunan na sa DepED

Pinapupunan ng Kamara ang mga bakanteng posisyon ng mga teaching at non-teaching positions sa mga public schools sa buong bansa.

Ayon kay Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor, dapat na itong mapunan lalo at kasama ang mga bakanteng posisyong ito sa pondo ng Department of Education (DepEd) sa 2020 General Appropriations Act.

Batay, aniya, sa staffing summary ngayong taon, mayroong 966,159 permanent position sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.


Pero 907,133 sa mga ito ang napunan na at nasa 59,026 ang bakante pa.

Makakatulong din na mapunan ang mga bakanteng posisyon upang mapababa ang malaking agwat sa teacher to student ratio at ang dagdag na administrative work para sa mga public school teachers.

Hinimok din ng kongresista ang DepEd na magsagawa ng job fair upang makahikayat ng mga aplikante.

Facebook Comments