Mga bakuna, hindi maaaring ibigay lahat sa mga essential worker ayon sa DOH

Naniniwala ang pamunuan ng Department of Health (DOH) na hindi maaaring ibuhos ng pamahalaan ang mayorya ng mga bakuna para sa essential workers o nasa A4 category list.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dahil galing ng COVAX Facility ng World Health Organization (WHO) ang ibang mga bakuna na nasa bansa, salig aniya sa panuntunan ng WHO ay nasa vulnerable sector o miyembro ng populasyon na mas nanganganib sa matinding epekto ng COVID-19 ang prayoridad sa pagbabakuna.

Kabilang umano rito ang mga frontline healthcare worker, mga senior citizen at may comorbidity.


Sinabi naman ni Dr. Nina Castillo-Carandang, kasapi ng NITAG o National Immunization Technical Advisory Group, ang A1 hanggang A3 priority group ang kumakatawan sa 79% ng mga namatay sa sakit sa bansa.

Giit ni Usec. Vergeire na pinag-uusapan na ang mga panuntunan para sa pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa essential workers base na rin sa rekomendasyon ng NITAG.

Facebook Comments