Mga bakuna kontra COVID-19 na naiturok sa bansa, mahigit 14 milyon na

Umabot na sa 14 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, 4,047,792 milyon sa mga ito ay nakumpleto na ang dalawang dose ng bakuna na katumbas ng 5.78 percent ng target ng pamahalaan.

Habang nasa 10,026,722 naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.


Tinatayang 257,157 indibidwal ang nababakunahan kada araw.

Target ng gobyerno na makapagbakuna ng 58 milyong indibidwal bago matapos ang taon.

Samantala, sinabi naman ni Roque na halos 7.7 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang inaasahang darating sa bansa mula Hulyo 15 hanggang 17.

Facebook Comments