Mga bakuna ng China, unti-unting nakakakuha ng kumpiyansa sa iba’t ibang bansa – Galvez

Sa kabila ng mababang tiwala ng mga tao sa mga bakunang gawa ng China, naniniwala si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na maraming bansa na ang unti-unting bumibili nito dahil sa kawalan ng supply ng Western-made vaccines.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., may ilang European countries ang nagsisimula nang bumili ng Chinese vaccines.

Inihalimbawa ni Galvez ang Hungary, ang kauna-unahang bansa sa Europe na bumili ng 500 million doses ng Sinopharm vaccine ng China.


Dito sa Pilipinas, aminado si Galvez na marami pa rin ang duda at may alinlangan na magpaturok ng Sinovac vaccines na donasyon ng Chinese government.

Pero sinabi ni Galvez na may ilang medical institutions na ang kanyang nakausap ay humihingi ng supply ng Sinovac matapos itong gamitin ng pamahalaan sa vaccine rollout.

Matatandaang nakipag-ugnayan na ang St. Luke’s Medical Center para mag-request ng supply ng Sinovac vaccines sa pamahalaan.

Facebook Comments