Mga bakunang donasyon ng Brunei sa Pilipinas, dumating na sa bansa

174

Dumating na sa bansa ang 2,000 doses ng AstraZeneca na donasyon ng gobyerno ng Brunei sa Pilipinas.

Kabilang sa mga sumalubong sa pagdating ng bakuna sina Dr. Teodoro Herbosa ng National Task Force (NTF) at Brunei Ambassador to the Philippines Hajah Johariah Binti Haji Abdul at Dr. Paz Pecson Corrales ng NTF.

Hindi naman matutuloy ang pagdating mamayang gabi ng halos isang milyong doses ng Pfizer BioNtech vaccine.


Hindi naman binanggit ng Manila International Airport Authority-Media Affairs Division ang dahilan kung bakit hindi matutuloy mamayang gabi ang pagdating ng Pfizer vaccines na binili ng Pilipinas.

Iaanunsyo na lamang daw kung kailan matutuloy ang pagdating ng mga bakuna.

Facebook Comments