Mga bakunang nasayang dahil sa pananalasa ng bagyo, papalitan agad – DOH

Tiniyak ng Department of Health na papalitan agad nila ang mga bakunang nasayang dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mababa pa lamang sa ngayon ang bilang ng mga bakunang nasira na at hindi na maaaring gamitin.

Ang mga ito aniya ay bunsod ng kawalan ng supply ng kuryente sa mga apektadong lugar at mga nasirang cold chain facilities dahil sa bagyo.


Sa kasalukuyan din ay binabantayan ng National Vaccination Operations Center ang sitwasyon sa mga naapektuhang lugar.

Facebook Comments