Mga lokal na pamahalaan, hinimok ni Pangulong Duterte na gamitin ang mga calamity fund para sa mga nasalanta ng bagyo

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Local Government Units na gamitin muna ang kanilang calamity funds para itulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Sa kaniyang Talk to the People address kagabi, sinabi ng pangulo na pahirapan pa sa ngayon na malaman ang eksaktong halaga ng iniwang pinsala ng bagyo.

Tiniyak naman ng pangulo na mapapalitan agad ang pera na nakalaan sana para sa ibang mga proyekto kapag dumating na ang pondo ng national government.


Facebook Comments