Mga bakunang paso na, dumadaan muna sa stability test bago aprubahan ang shelf life

Tiniyak ng Vaccine Expert Panel ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga COVID-19 vaccines na pinalawig ng Food and Drugs Administration (FDA) ang shelf life extension (SLEP).

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Nina Gloriani, pinuno ng Vaccine Expert Panel na bago mapalawig ang shelf life ng isang bakuna ay dadaan muna ito sa stability test upang mabatid kung taglay pa rin nito ang same efficacy level.

Ani ni Gloriani, nagbibigay ng datos ang vaccine manufacturers sa FDA hinggil sa isinagawa nilang pag-aaral hinggil sa SLEP.


Susuriin naman ng FDA kung tama ang mga isinumiteng datos ng vaccine manufacturers at saka lamang aaprubahan ang pagpapalawig sa shelf life ng isang bakuna.

Sa inactivated vaccines, aniya ay napatunyang mas mahaba ang shelf life at nadadagdagan pa ang stability data makalipas ang 9 na buwan.

Pero pagtitiyak nito, agad naman itinuturok ang mga bakuna lalo na yung malapit na ma-expire upang maiwasan ang vaccine wastage.

Facebook Comments