QCPD, nagsagawa ng Oplan Galugad sa Quezon City Jail

Sinuyod ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Quezon City Police District (QCPD) ang Quezon City Jail.

Layon ng nasabing operasyon na malinis ang kulungan sa mga kontrabando tulad ng iligal na droga, cellphone, armas tulad ng patalim at iba pang mga bawal na gamit sa loob ng kulungan.

Unang pinasok ang selda ng Sputnik at sunod na pinasok ang selda ng Batang City Jail.


Pinalabas sa kanilang selda ang mga presyo at inipon sa basketball court.

May nakuhang mga patalim, drug paraphernalia at pakete na posibleng shabu ang laman.

Facebook Comments