Patuloy ang ibang mga residente sa Marawisa pag-hahakot ng kanilang mga gamit upang bumalik sa kani-kailang mga tirahansa mga barangay na dineklara nang ‘cleared’ o ligtas na mula sa presensiya ngmga terorista at mga naiiwang bomba o ang tinatawag na unexploded ordinance.
Ito’y matapos na ideklara noongOktubre 23 ang termination of combat operation.
Nagsimula ang pagbalik sa mgaresidente noong Oktubre 29, sa Barangay Basak Malutlut at iba pa’ng walongbarangay na nasa labas ng main battle area.
Sa pinakahuling meeting ng TaskForce Bangon Marawi, sinabi ng Lanao del Sur Electric Cooperative o LASURECO nalibre ang mga residente na magpa-reconnect sa kanilang linya ng kuryente nanapuputol noong naganap ang giyera na umabot ng limang buwan.
Kinakailangan lang na ma-updateang kanilang file o record bilang mga konsumante para masiguro at malaman nanakabalik na sila sa kanilang mga tahanan at gusto pa nila ang serbisyo ngLASURECO.
Ang mga porma o form sapag-updateng ilang record o file ay makukuhang libre sa mga LASURECO Help Deskna isi-set up sa bawat lugar na naka-schedule ang pagbabalik ng mga residente.
Ipinaliwanag ng LASURECO namerong mga lugar na hindi pa kaagad maibabalik ang suplay ng kuryente dahilmayroon pa’ng 23 na units ng kanilang transformers ang nasira ng giyera. Ngunitipinangako ng LASURECO na sinisikap nilang mabigyan ng solusyon ang naturangproblema sa madalinng panahon. (Divina M. Suson)
Mga bakwit na babalik na sa kani-kailang mga tirahan sa Marawi City, walang bayad kung magpa-reconnect ng kanilang linya sa kuryente
Facebook Comments