Nakauwi na ang lahat ng mga residenteng nagsilikas matapos mag alburotong muli ang Bulkang Taal.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal na ito ay matapos ideklara ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ibinaba na ang alerto ng bulkan sa Alert Level 2.
Kasunod nang pagbaba ng alerto sa Taal, pwede naring makabalik sa kani-kanilang mga tahanan ang mga bakwit.
Ayon kay Timbal, karamihan sa mga evacuees ay maayos naman ang kalagayan.
Base sa huling record ng NDRRMC, umabot sa higit 7,200 indibidwal 2,047 pamilya ang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal kamakailan.
Facebook Comments