Accreditation sa mga party-list, pinahihigpitan

89

Umapela si Deputy Minority Leader Argel Cabatbat sa Commission on Elections o COMELEC na higpitan ang accreditation para sa party-list system.

Kamakailan ay inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayayaman lang ang nakikinabang sa party-list system at dapat na itong mabuwag sa pamamagitan ng Constitutional Assembly o Constitutional Convention.

Aminado ang kinatawan ng mga Magsasaka na may ilang pulitiko talaga na sinasamantala ang party-list system ng bansa.


Gayunman, hindi abolition o pagbuwag ang sagot para mapatino ang sistema dahil marami pa ring party-list ang kumakatawan sa mga tunay na marginalized sector.

Kailangan lamang aniyang tiyakin ng COMELEC na lehitimong grupo ang bibigyan ng accreditation para lumahok sa halalan.

Nakiusap din ang mambabatas sa mga botante na suriin at siguruhing ang mga iluluklok na partylist ay totoong kumakatawan sa kanilang sektor na iboboto.



Facebook Comments