Manila, Philippines – Pinagbawalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na makabalik ang mga bakwit sa kani-kanikalang bahay sa Marawi City.
Paliwanag ni Joint Task Force Marawi Spokesperson, Col. Joan Petinglay – kailangan pa nilang tugisin at linisin ang lungsod mula sa mga teroristang grupo.
Tinitiyak din nila na walang Improvised Explosive Devices o anumang pampasabog sa lungsod.
Dapat aniyang matapos muna ang search and recovery ng mga nasawi sa bakbakan.
Dagdag pa ni Petinglay, sisiguraduhin munang na ligtas sa anumang uri ng sakit ang lungsod para hindi maapektuhan ang mga residente.
Isama pa sa dahilan ang mga insidente ng ligaw na bala.
Iniulat din ni Petinglay ang pinakahuling datos sa mga nasawi sa Marawi.
Ayon naman kay Lt/Col. Emmanuel Garcia ng Phil. Army – patuloy ding inaalam kung nakatakas na sa Marawi si Isnilon Hapilon at Omar Maute.
Aabot pa sa 200 hanggang 300 residente ang naiipit sa bakbakan habang nasa 80 hanggang 100 sibilyan ang bihag ng mga terorista.