Nagpaabot ng ayuda ang Provincial Government ng Maguindanao katuwang ang IPHO Maguindanao sa mga sibilyang lumikas mula sa mga apektadong Baranggay ng Datu Salibo, Maguindanao.
Isinagawa ang relief distribution sa isang Madrasa na kung saan pansamatalang ginawang evacuation center ng daang pamilya mula Brgy. Dansuli.
Bukod sa ipinagkaloob na mga food items, kabilang ang bigas at groceries, mula sa Provincial Government, nagsagawa rin ng Medical Mission sa lugar na pinangunahan ni Maguindanao Health Director Dr. Tahir Sulaik.
Ubo, Sipon at HyperTension ang ilan lamang sa namonitor ng mga health officials mula sa mga bakwit ng nasabing evacuation Center.
Agad namang namahagi ng mga kaukulang gamot at mga bitamina ang IPHO Maguindanao kasama ang Peoples Medical Team.
Samantala, ngayong araw nagpaabot rin ng tulong sa mga apektadong pamilya mula sa mga bayan ng Datu Saudi Ampatuan at Datu Unsay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Government.
Matatandaang lumikas ang tinatayang anim na libong pamilya mula sa pitong bayan ng SPMS BOX matapos maglunsad ng opensiba ang military kontra BIFF .
Mga Bakwit sa Maguindanao pinagkalooban ng tulong ng Gobyerno
Facebook Comments