Manila, Philippines – Tinatayang nasa 159 piraso ng bala ang narekober sa isang package ng mga donasyon na ipadadala sana sa Marawi City.
Ayon kay Eastern Police District Director Police Chief Supt. Romulo Sapitula – isang mohaimen mutalib ang nagreport sa mga otoridad ng mga nadiskubreng bala na nakalagay sa isang bilog na kahon at natatabunan ng mga damit.
Bukod sa 159 na piraso ng bala para sa 9mm na baril, nakuha rin ang isang magasin, gun holster, at mga gamit sa paglilinis ng baril.
Ipinadala kay Mutalib ang nasabing package ng isang Aj Salvani Cubarrubia sa kanyang condominium sa reliance street sa Mandaluyong City
Nabatid na si Mutalib ay isang organizer ng paglilikom ng relief goods na ipadadala sa mga biktima ng bakbakan sa Mindanao.
Inaalam pa naman ngayon kung may kasama pa ang mga natagpuang mga bala na ipadadala sana sa war zone sa Marawi City.