Hindi maaaring mauna o maningit sa pila ang mga hindi prayoridad para lang mabakunahan.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Usec. Eric Domingo na mahigpit na susundin ang priority list hinggil sa inaasahang pag-uumpisa ng vaccination program sa susunod na linggo.
Ayon kay Domingo, dahil sa limitadong suplay ng bakuna hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo ay uunahing mabakunahan ang mga medical health workers, may commorbidities, mga nakatatanda, frontline workers, mahihirap at uniformed personnel.
Ani Domingo, nasa 150 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang binili ng Pilipinas na sasapat na para mabakunahan ang nasa 70% ng kabuuang populasyon ng bansa.
Pagsapit aniya ng 3rd quarter ng taon ay mas dadami pa ang bakuna kung kaya’t mababakunahan na rin maging ang mga hindi kabilang sa priority list ng pamahalaan.