Sec. Roque, nilinaw na nauna ang pagbabakasyon at diving niya sa Boracay bago ma-expose sa isa niyang staff na nagpositibo sa COVID-19

84
Photo Courtesy: DiveGurus Boracay Facebook Page

Muling dumipensa si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa nag-viral niyang litrato kahapon kung saan namasyal at nag-dive ito sa Boracay.

Ayon kay Roque, nagtungo siya noong Biyernes sa Iloilo para sa isang work trip at sidetrip lamang niya ang Boracay.


Pagkarating niya sa Metro Manila noong Linggo, sinundo siya ng kanyang staff na kalauna’y positibo pala sa COVID-19.

Giit ng kalihim, hindi niya kasama ang nagpositibo niyang staff mula sa COVID-19 sa Iloilo at Boracay.

Nagkaroon lamang aniya siya ng exposure dito noong sunduin siya sa airport noong Linggo pero sa resulta ng kanyang RT-PCR test, negatibo naman aniya siya sa virus pero bilang pagtalima sa health protocols kaya siya sumasailalim ngayon sa home quarantine.

Paglilinaw pa ng kalihim, sa kada labas o pagpupulong niya saan mang parte ng Pilipinas ay sinisiguro niyang tumatalima siya sa health and safety protocols.




Facebook Comments