Mga balota na gagamitin sa midterm election, dumating na sa City Treasurer’s Office ng Pasay

Dumating na sa City Treasurer’s Office ng Pasay City ang mga balota na gagamitin sa Lunes, May 12 para sa midterm elections.

Ayon sa COMELEC-Pasay, agad nilang aayusin ang mga ito para mailagay sa isang silid kung saan bantay-sarado ito ng pulisya gayundin ang mga personel ng COMELEC upang masiguro na walang aberya.

Sa datos ng COMELEC, mahigit 1.1 milyon ang mga botanteng nakarehistro para bumoto sa Lunes (May 12).

Kasunod nito, mahigpit naman na ang seguridad na pinapairal sa Pasay City Hall ngayong araw hanggang sa Lunes, May 12 o araw ng botohan.

Facebook Comments