Mga balota para sa 2025 midterm elections, inaantabayanan pa rin ng City Treasurers Office ng Maynila

Patuloy na inaaabangan ng mga tauhan ng City Treasurer’s Office ng Maynila ang mahigit isang milyong balota na gagamitin para sa 2025 midterm elections.

Nabatid na kasama ang Maynila sa siyam na lungsod na tatanggap ng mga balota ngayong araw base sa schedule ng National Printing Office at Commission on Elections (Comelec).

Bukod sa mga escort na pulis, magtatalaga rin ang Manila Police District (MPD) ng mga magbabantay sa paligid ng Manila City Hall para masiguro na walang aberya sa paghahatid ng mga balota.

Base sa datos ng Comelec, mahigit 1.1 milyon ang mga botanteng nakarehistro para bumoto sa Lunes (May 12).

Bukod sa Maynila, kabilang sa mga tatanggap ng balota ngayong araw base na rin sa abiso ng Comelec ay ang Las Piñas, Makati, Mandaluyong, Muntinlupa, Parañaque, Pateros, Pasay at Taguig city.

Facebook Comments