Manila, Philippines – Dumating na sa Manila City Hall ang mga opisyal na balotang gagamitin para sa May 13 midterm elections.
Subalit napansin ang ilang sirang sticker seals ng Commission on Elections (Comelec) na siyang nagse-secure ng mga balota.
Ayon sa cargo delivery representative, nasira ang mga selyo habang ibinabiyahe ang mga balota.
Sinabi ni Josephine Daza, officer-in-charge ng Manila City Treasurer’s Office – ang kanilang opisina ang itinalaga ng Comelec para tanggapin at pangalagaan ang mga balota bago ang distribution nito sa polling precincts.
Aniya, isusumite nila ang kanilang report sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa discrepancies na kanilang napansin sa pagbubukas ng mga truck.
Natanggap ng munisipyo ang 1,502 boxes para sa 1,502 precincts.
Bawat box ay mayroong label na naglalaman ng ballot ID, cluster precinct number, municipality, province at region kung saan ito gagamitin.