UST Golden Tigresses, pasok na sa finals ng UAAP women volleyball

Photo Courtesy: Tiebreaker Times | Joaqui Flores

Pasok na sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP women’s volleyball finals ang University of Sto. Tomas matapos talunin ang La Salle.

Tinapos ng Tigresses ang tatlong taong kampeonato ng La Salle sa score na 25-19, 25-19, 20-25, 23-25, 15-10.

Ito rin ang unang pagkakataon na makapasok ang UST sa UAAP finals matapos ang limang taon.


Susunod na makakaharap ng UST ang sinumang manalo sa pagitan ng Ateneo at Far Eastern University.

Facebook Comments